Nasa 481 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Northern Samar ang opisyal nang nabigyan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) para sa kani-kanilang farm lands na may pinagsama-samang laking 865.6872 hectares.
Bukod dito, naturn-over din sa LGU ng Catarman ang cheque na naghahalaga ng ₱20-million para sa concreting of Barangay Cag-abaca-Barangay San Julian farm-to-market road.
Ang land distribution at turn over na ito ay pinangunahan ni DAR Assistant Secretary for External Affairs and Communications Operations Office, Rodolfo Castil Jr. at ng inyong lingkod bilang Regional Peace and Order Council Chairman ng Eastern Visayas.
Ito ay parte ng ating misyon kasama ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng titulo ang ating mga kababayang magsasaka dito sa Eastern Visayas.
Salamat sa lahat ng tumulong para maging posible ito. Padayon!